Kasalukuyang hinaharap ng ating rehiyon ang malubhang krisis pangkalusugan. Upang maiwasan ang pagkalat ng sakit ay pinapatupad ng mga LGUs ang Community Quarantine (CQ). Dahil dito, apektado ang karaniwan nating paraan ng pamumuhay. Ang pamahalaan ay kasalukuyang gumagawa ng mga hakbang upang mabawasan ang negatibong epekto nito.
Nais naming mas matugunan nang mabuti ang pangangailangan ng ating mga mamimili. Bilang follow-up sa survey na isinagawa ng Inter-Agency Task Force Technical Working Group for Anticipatory and Forward Planning sa national level, ang Economy Cluster ng Eastern Visayas Regional Task Force Covid-19 na pinangungunahan ng NEDA VIII ay kasalukuyang nagsasagawa ng pag-aaral upang mas maintindihan ang sitwasyon at mga suliranin na hinaharap ng ating mga mamimili.
Ang inyong mga sagot sa survey na ito ay makakatulong para makapag-rekumenda ng mga angkop na polisiya at programa batay sa inyong mga pangangailangan. Inaasahan namin ang inyong tapat na pag-sagot.
Nasa ibaba ang direktang link sa form ng survey: